|
||||||||
|
||
MPST
|
Si Lee Mie Yee, General Manager ng Dai Ichi Shanghai
Ang Dai-ichi Electronics Shanghai ang isang kumpanya sa Pilipinas na kilala sa paggawa ng mga speakers. Nagsimula ito noong huling dako ng dekada 70 at sa kasalukuyan isa sa pinakamatagumpay na electronics company sa bansa ba may limang factories sa iba't ibang bahagi ng kalakhang Maynila.
Nahikayat na mamuhunan sa Tsina ang Dai-ichi matapos ang mabungang pagdaraos ng Asia Pacific Economic Cooperation sa Shanghai noong 2001.
Sa kasalukuyan may sampung taon na mula nang buksan ang planta ng Dai-ichi sa Xuhang Town, Jiading District - isang oras at kalahati ang layo sa sentro ng lunsod. Ang factory ay may 137 mga empleyado na binubuo ng 17 Pilipino at 120 Tsino.
Gaya sa Pilipinas, ang planta sa Shanghai ay pinatatakbo na bilang family oriented business.
Kinapanayam si Lee Mie Yee, General Manager ng Dai Ichi Shanghai para alamin ang kaniyang istilo nang pangangasiwa sa kumpanya at ang lagay ng kanilang pagnenegosyo sa Tsina.
Pakinggan po natin ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina hanapin ang programang Kape at Tsaa sa iTunes Podcast. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang page sa Facebook na CRI Filipino Service.
MPST
|
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |