|
||||||||
|
||
MPST
|
Tampok sa Christmas episode ng Mga Pinoy sa Tsina ang bandang Blue Heaven na binubuo nina Moises Sumile Jr., Jenny Ceballos, Israela May Collantes at Adelfa Estomo. Sila ay nakabase sa Shanghai at tumutugtog sa Paulaner. Ang band leader ng Blue Heaven na si Moises Sumile ay kasalukuyan ding Pangulo ng Philippine Musicians Association in Shanghai (PMAS).
Halos 15 taon nang nagtatrabaho sa Shanghai si Moises Sumile Jr. (kanan) at ang mga miyembro ng Blue Heaven ay aktibong sumusuporta sa maraming mga gawaing pangkawanggawa para kumalap ng pondong pang-donasyon sa mga biktima ng kalamidad at nangangailangan. Kasama sa larawan ang bandmates na sina Jenny Ceballos, Israela May Collantes at Adelfa Estomo.
Isa sa pinakamalaking grupo ng mga mang-aawit at musikero sa Tsina ang PMAS. 2007 nabuo ang grupo at hanggang ngayon aktibo ang grupo sa pangangalaga sa kapakanan ng mga Pinoy entertainers sa Tsina.
Nakakatuwang malaman na buhay na buhay ang diwa ng Pasko sa mga kababayan nasa Shanghai.
Sa panayam ibinahagi ni Moises Sumile Jr. ang latest charity event nila para sa isang kababayang nangailangan ng tulong.
Alamin ang buong kwento sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina, tampok din sa programa ang cover version ng ilang sikat na Christmas songs ng Blue Heavan Band.
Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa iTunes Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang page sa Facebook na CRI Filipino Service.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |