Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Philippine Tourism Networking Dinner Reception sa Beijing

(GMT+08:00) 2015-04-20 20:19:02       CRI


Tag-init na sa Pilipinas! At ang panahon ay talagang angkop sa pamamasyal. Sa Beijing, para hikayatin ang mas maraming Tsino na magbakasyon sa Pilipinas, idinaos kamakailan ang Philippine Tourism Networking Dinner Reception. Dumalo sa Kerry Hotel ang mga kinatawan ng mga tour group at travel operators ng Tsina. Kabilang sa delegasyong Pilipino ang labing dalawang kumpanya na aktibong nagsusulong ng turismo ng Pilipinas. Panauhing pandangal ang Kagalanggalang na embahador ng Pilipinas sa Beijing, Ambassador Erlinda F. Basilio

Sa kanyang mensahe sinabi ni Ambassador Basilio na ang Tsina ang pang-apat na pinakamalaking tourist market ng bansa. Batay sa mga pigura noong isang taon umabot sa halos 400,000 turistang Tsino ang nagbakasyon sa Pilipinas. Patunay na mas maraming mga Tsino ang nakakadiskubre na 'It's More Fun in the Philippines."

Ibinahagi rin ni Ambassador Basilio ang mga gawad at pagkilala mula sa iba't ibang Chinese travel tour operators at media outfits. Pinaka bago rito ang paghirang ng Shanghai Morning Post sa Pilipinas bilang Best Tropical Island Destination para sa 2014 at 2015 at Most Popular Dive Destination ng Dive and Resort Travel Shanghai.

Ang networking event at reception sa Kerry Hotel ang kauna-unahang proyekto ni Niel Ballesteros, bagong talagang Tourism Attache for Chinese mainland ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas. Bago matalaga sa Beijing, nagsilbi si Ginoong Ballesteros sa Shanghai. Sa kanyang pamumuno natamo ng Pilipinas ang maraming gawad na kumikilala sa Pilipinas bilang pangunahing lugar na panturismo sa buong daigdig. Ani Ballesteros, "Sa tulong ng private sector natin, nagawa nating posible ang imposible. Nagbuo tayo ng chartered flights, kinumbinsi natin ang charter operators dito sa China na lumpipad sa Pilipinas para sa gayon ang accesibility ng Chinese sa Pilipinas ay lumawak ng lumawak."

Nitong Abril lang nagsimula ang kanyang assignment bilang Tourism Attache for Chinese mainland. Nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang posisyon sa Beijing, tugon ni Ballesteros, "Una napamahal na sa aking ang pagtatrabaho sa China at marami na rin akong nakilala. Nakita ko na karamihan sa mga nationals dito ay mababait at buhos silang makisama sa mga Pilipino."

Isa sa mga plano ng kanyang tanggapan ang tulungan ang mga charterer na magkaroon ng suporta mula sa pamahalaan ng Pilipinas para mabawasan ang business risks at mabuo ang business confidence na buksan ang chartered flights mula Tsina papuntang Pilipinas. Inilunsad na rin kamakailan ang direct flight mula Jinjiang tungong Maynila, at sa nalalapit na hinaharap magkakaroon na rin ng flight mula Ningbo papuntang Pilipinas. Target ng bagong Attache na itaas ngayong taon ang bilang sa 600,000 turista Tsino.

Para sa karagdagang impormasyon hingil sa tourism promotion ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas sa Tsina, bisitahin ang website na : www.morefunph.cn.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Niel Ballesteros sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Siguruhing gumagana ang lahat ng mga plug-ins ng inyong browser para gumana ang audio at video players. Sa Podcast mapapakinggan rin ang programa hanapin lang ang Kape at Tsaa. Inaanyayahan rin namin kayong i-like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

Buong delegasyong Pilipino na binubuo ng mga kinatawan ng sektor ng turismo ng Pilipinas, kasama sina Ambasador Basilio at Niel Ballesteros

Panayam ni Mac Ramos kay Niel Ballesteros

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>