Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nora Raga:  Dream Job bilang Guro, nakita sa German Embassy School In Beijing

(GMT+08:00) 2015-02-17 11:32:02       CRI

Sa Beijing at iba pang mga lunsod sa Tsina, daan-daan ang bilang ng mga Pilipino na nagtatrabaho bilang guro. Sila'y nagtuturo sa learning centers, elementary at high school pati sa mga pamantasan. Sa loob ng maraming taon, dahil sa mga oportunidad sa bansang ito, naakit ang mga gurong Pilipino na tanggapin ang bagong hamon at habulin ang kani-kanilang mga pangarap sa Tsina.

Si Nora Raga ay sampung taon ng guro sa Tsina. Sa kasalukuyan siya ay English teacher sa Elementary Department ng German Embassy School in Beijing. Paano niya nahanap ang dream job na ito?

Sa panayam kasama si Mac Ramos, host ng programang Mga Pinoy sa Tsina, sinabi niya ang dahilan kung bakit niya iniwan ang labing dalawang taong teaching job sa Malate Catholic School, aniya "Gusto kong maka-experience ng educational system ng ibang bansa." Isang kaibigan ang humikayat sa kanyang subuking magturo sa Tsina. 2004 dumating siya sa Guangzhou para magturo ng Ingles sa pamantasan pero dahil sa culture shock ay naging mahirap ang adjustment niya sa lunsod. Lumala pa ang sitwasyon nang hindi tupdin ng pinagtatrabahuan ang nasasaad na working hours at ang napagkayariang sweldo. Dahil dito nagdesisyon siyang tumungo ng Beijing para hanapin ang mas magandang kapalaran. Ayon kay Nora Raga "May kaba ako pero nilakasan ko ang loob ko. Hindi ako makakarating sa China kung walang (magandang oportunidad na) naghihintay sa akin."

Ingles ang itinuturo ni Nora Raga  sa Elementary Department. Ang larawan ay kuha sa loob ng silid-aralan sa German Embassy School Beijing.

Isang agent ang tumulong sa kanya para makapasok sa Beijing Foreign Affairs University of Economics. Maayos ang kanyang naging sitwasyon sa pamantasan pero bagong hamon naman ang kanyang hinarap. Kulang sa motibasyon ang kanyang mga estudyante. Para sa kanila walang saysay ang pag-aaral ng Ingles. Dahil isang propesyunal na guro, hinugot ni Nora Raga ang higit idang dekadang karanasan sa loob ng klase at binago ang paraan o istilo nang pagtuturo. Di nagtagal naging masaya ang bawal klase at naging malapit siya sa kanyang mga estudyante.

Si Nora Raga kasama si Mac Ramos sa harap ng German Embassy School Beijing. Ayon kay Nora, unang kita pa lang niya sa gusaling ito, naramdaman na niyang ito ang eskwelahang gusto niyang pagturuan. 

Dumating ang big break ni Gng. Raga sa tulong ng magulang ng batang tinuturuan. Inirekomenda siya sa German Embassy School in Beijing na noon ay naghahanap ng Kindergarten teacher. Wala mang karanasan, tiwala siya sa kanyang kakayahan at naging matagumpay ang aplikasyon sa international school . Sabi ni Nora Raga "answered prayer ito. Matatag siya, may system at alam ko kung paano isasagaw ang pagtuturo dito." Sampung taon na siya sa eskwelahang ito at ayon sa guro ito na ang kanyang dream job. Aniya "As a professional teacher nagkaroon ng progress ang kaalaman ko. Mas nag-grow pa ako."

Alamin ang mga pananaw ni Nora Raga hinggil sa mga usaping kinakaharap ng mga Pinoy teachers abroad sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Sa inyong computer, i-klik ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng iba pang mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>