Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Batua Brothers at kanilang tahimik na pamumuhay Guangzhou

(GMT+08:00) 2015-06-08 17:14:57       CRI

Sa magkakapatid na Batua, naunang dumating ng Tsina si Al Batua noong 2001. Siya ay kasalukuyang Chief Designer sa isang architectural firm sa Guangzhou. Matapos ang tatlong taon sumunod ang nakatatandang kapatid na si Archie at pumasok sa isang foreign trading company. Ngayon isa na siyang negosyante at may-ari ng cargo company. At ang pinakabunso naman na si Tam ay sumunod sa kanyang mga kuya matapos magtapos at ngayon ay isang designer, English book author at entrepreneur.

Sa kanilang halos labinlimang taong paninirahan sa Guangzhou, isang salita ang naglarawan sa kanilang pamumuhay sa lunsod : Tahimik. Ani Archie Batua, mababa ang crime rate at mahigpit na ipinatutupad ang batas sa lunsod.

Isa ang Guangzhou sa pinaka-maunlad na lunsod sa Tsina. Taguri rito ay manufacturing hub. Mabilis itong nagbabago kaya sa larangang kinabibilangan ni Al Batua, malaki ang nai-aambag ng kanyang mga makabagong ideya. Pero di niya itinanggi na malaki ang epekto ng real estate slump at humina ang negosyo ng paggawa ng mga bahay.

Pero sa kaso ni Tam Batua, napaka-competitive at very in-demand naman ang mga designers. Payo niya sa mga Pinoy na nais pasukin ang trabahong ito, "Huwag laging sumunod sa gusto ng kliyente. Matuto kayong igiit ang mga bagong ideya. Huwag na lang copy ng copy."

Ibinahagi rin ni Archie Batua ang bentahe ng mga Pinoy OFWs, "Madali tayong maka-gets.We act on our own. We have initiative."

Tatlong magkakapatid na may mahabang karanasan sa tatlong magkakaibang larangan. Alamin ang ibang pang payo ng magkakapatid para maging matagumpay sa Guangzhou, pakinggan ang panayam sa kanila ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Archie Batua

Si Al Batua

Si Tam Batua

Si Mac Ramos, kasama ang Batua brothers

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>