Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May Palaro sa Guangzhou 2015

(GMT+08:00) 2015-05-14 17:23:45       CRI


Hindi biro ang magpatakbo ng isang liga na kinabibilangan ng maraming events tulad ng basketball, badminton, volleyball, bowling, bilyar at ping pong. Nitong Mayo 1, sa South China University of Guangzhou at Tianhe Sports Complex ginanap ang dalawang araw na May Palaro sa Guangzhou 2015.

Moving lights sa likod nito ang Filipino Teachers Association o Filteach. Isang taon matapos itatag ang Filteach sinimulan nila ang May Palaro noong 2011. Walang paltos mula 2011 ay ginaganap ang palaro. Susi sa tagumpay ang masisipag na opisyal at mga miyembro ng samahan na nakikipagtulungan sa Konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou.

Mga opisyal ng FilTeach

"To make them closer. To have unity" ayon kay Steve Genis, Tagapagtatag at Pangulo ng FilTeach ang pangunahing layunin ng May Palaro sa Guangzhou. Bukod sa mga Pinoy ang palaro ay dinadaluhan ng mga kaibigan o kapamilyang Tsino at dayuhan.

Mga opisyal ng FilTeach

Ang Labor Day o May 1 ay sadyang pinili ng FilTeach dahil ito ay isang holiday kaya pwedeng maglaro ang lahat. Ang Guangzhou ang main venue ng event pero may mga koponan din mula sa karatig lunsod ng Zhongshan, Foshan, Shenzhen at Jinan.

Si Steve Genis, Pangulo ng FilTeach Guangzhou

Si Andrei Antonino ay isang architect. Samantala si DM Maranion naman at nagtatrabaho sa isang purchasing office sa Guangzhou. Si Andrei ay limang taon nang naglalaro sa para sa Basketball Team na Ting Bu Dong. At si DM naman at kasama sa Clifford Mainlanders. Para sa kanila ang May Palaro ay kumakatawan sa mabuting samahan at pagkakaibigan.

Ball Toss na pinangunahan ni Consul General Raly Tejada sa pagitang ng koponan nina Don Seno (Clifford Mainlanders) at  Mike Gumboc (Ting Bu Dong)

Noong 2014 May Palaro, bahagi ng koponang naging champion sa Volleyball si Luz Kanapi. Siyam na taon na siyang nagtatrabaho sa Guangzhou bilang Graphic Designer. Ibinahagi niya ang kahalagahan ng aktibidad para sa Pinoy na nasa ibang bansa lalong lalo na ang mga bagong dating o wala pang gaanong kakilala.

Pakinggan ang buong panayam kina sa Steve Genis at mga atletang kasali sa May Palaro sa Guangzhou 2015 sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

May Palaro sa Guangzhou 2015 Results

Basketball

Champion- Guangzhou Elite

1st runner up- Clifford Mainlanders

2nd runner up- Filteach TingBuDong

3rd runner up- Zhongshan Bulls

MVP: Robb Marcelo

Mythicall Five:

Tam Batua

Robb Marcelo

Dave Alcantara

Mr. Cordova

Dante Santos

Billiards

Champion-Ferdie Bayad Sr.

1st run.-Jojo Laput

2nd run.-Edgar Vengua

Bowling Men's

Champion-Egay Sagum

1st run.-Tony Amangca

2nd run.-Arnold de Jesus

3rd run.-Ding Mariano

Bowling Women's

Champion-Lisa Hipolito

1st run.-Sally Leuthner

2nd run.-Alma Mahilum

3rd run.-Jollie May Gaspar

Bowling Team Category

Champion-PCG

1st run.-P&G

2nd run.-FFI

Volleyball Men's

Champion: FilTeach

1st runner up: Jinan University Filipino Students

Volleyball Women

champion: Jinan University Filipino Students

1st: TFCN

2nd: FilTeach

Volleyball MVP

Men's: King of FilTeach

Women's: Tecrisa of Jinan University Filipino Students

Best settler:

Men's: Joed of Jinan University Filipino Students

Women's: Karen of FilTeach

Best Spiker:

Men's: Usbold of FilTeach

Women's : Nikki of Jinan University Filipino Students

Best Defender:

Man's: Earl of FilTeach

Women's: Lhen of TFCN

Table Tennis Tournament Winners

Men's:

Champion: Mitch Tan

1st Runner-up: Norman Espiritu

2nd Runner: Jun Monzon

Women's

Champion: Jalen Monzon

1st Runner up: Aileen Garcia

Mixed Doubles:

Champion: Mitch Tan/Aileen Garcia

1st Runner up: Norman Espiritu/Jalen Monzon

Badminton

Women's singles

1st Tina Alvarez

2nd Cathy of TFCN

3rd Nikko Santiago

Men's

1st Ralph Elvas

2nd Alvin Alvarez

3rd Nico of TFCN

Mixed Double

1st Tina and Alvin Alvarez

2nd Ralph Elvas and Cat Pasitsuwan

3rd Joseph Madelo and Ronald Gutierrez

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>