|
||||||||
|
||
Don Seno
|
Don Seno video
|
Kusang nag-aral. Tunay na nagtyaga. Ganito kung ilalarawan ang takbo ng buhay ni Don Seno bilang isang potograpo.
2012 nagsimula ang hilig niya sa pagkuha ng mga larawan. Sa simula cellphone ang gamit at dahan-dahang namuhunan para sa kamera na gamit ng mga pro.
Di niya makakalimutan ang kauna-unahang pagbili niya ng pinapangarap na DSLR. Unforgettable dahil na-onse siya. Bagito at kaunti ang kaalaman sa mga gamit, kaya overpriced pala ang kamera na ibinenta sa kanya. Di nagpadaig, kanyang pinilit na isauli sa manlolokong tindero ang mumurahin kamera.
Portrait ni Don Seno
Sa kwentong ito, masisilip na pursegido si Don Seno pagdating sa photography. Ang camerang Nikon D60 na nakuha niya sa Hong Kong ang siyang ginamit para simulan ang isang natatanging love affair sa pagpitik ng mga litrato.
Para sa litratista ang Guangzhou ay isang dynamic sa lugar. Ani Seno, 'Palaging may bago sa paningin mo. Kahit may napikturan ka na, sa kabilang sulok may napaka interesting sa mata worthy of talagang magandang photograph. Napaka-diverse ng mga bagay na makikita mo rito. Sa Guangzhou di ka mauubusan ng subject na pwede mong iphotograph, mapatao man, lumang buildings or mapa-activities man nila."
Tatak ni Don Seno ang istilong panning at sa kasalukuyan in demand ang trabaho para sa pagkuha niya ng portraits. Sa programang Mga Pinoy sa Tsina ibinahagi niya kay Mac Ramos kung paano niya pinag-iibayo ang kanyang kaalaman. Ikunuwento rin ang mga big breaks pagdating sa pagbabahagi ng kanyang mga litrato sa publiko.
Si Mac Ramos (kanan), kasama si Don Seno (kaliwa)
Ang mga larawan ni Don Seno ay makikita sa kanyang website na: www.donseno.com
Pakinggan ang buong panayam sa tulong ng plug-in sa itaas. Ang panayam ay mapapakinggan din sa Podcast hanapin ang Kape't Tsaa. Sa Facebook, sundan ang aming mga update i-like ang CRI Filipino Service.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |