Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating tirahan ng sinaunang sangkatauhan sa Zhoukoudian ng Beijing

(GMT+08:00) 2016-06-27 11:02:53       CRI

 


Ang lugar na pupuntahan natin ngayon ay isang bayan ng Beijing: ito ang Zhoukoudian. Marami ang mga lugar na panturista sa Beijing, ilan ay kilala dahil sa magandang tanawin, ang iba naman ay kilala dahil sa mahabang kasaysayan. Ang Zhoukoudian ay may pinakamahabang kasaysayan, kung saan natuklasan ang dating tirahan ng mga sinaunang tao na tinatawag na "Peking Man," mga 700,000 hanggang 200,000 taon ang nakalipas.

Ang dating tirahan ng Peking Man ay nasa bundok Longgu dakong hilagang kanluran ng Zhoukoudian sa distrito ng Fangshan, Beijing. Ito ang tuklas na may pinakamasagana at pinakasistematikong relikya ng sangkatauhan mula sa panahon ng Stone Age. Tanong, bakit timawag na "Longgu" ang bundok? Sa Wikang Tsino, ang "Longgu" ay nangangahulugang "Dragon Bone." Marami kasing natuklasang fossil ng hayop sa lugar na ito, at ginamit ang mga ito bilang gamut-Tsino o Chinese medicine. Dahilan kung bakit tinatawag ito ng mga medikong Tsino na "longgu" o buto ng dragon. Tinawag din ang bundok na Longgu.

Ang kinaroroonan ng "Peking Man" ay unang natuklasan ng isang dayuhan. Sa unang dako ng 1914, tinanggap ng bantog na Swedish geologist na si Gunnar Anderson ang imbitasyon ng Gobyernong Tsino at siya ay naging kasangguni ng mineral administration. Nakakita siya ng isang klase ng gamot sa Tindahan ng Tradisyonal na Medisinang Tsino na tinatawag na "dragon bones." Pagkaraan ng masusing pagsusuri, natuklasan niya na ang mga ito'y mammalian fossiles.

Noong Pebrero 1918, nabatid ni Anderson na ang ilan sa "dragon bones" sa Tindahan ng Tradisyonal na Medesinang Tsino ay galing sa isang lugar na tinatawag na "Dragon Bone Hill" malapit sa Zhoukoudian. Nagpunta siya rito nang nag-iisa at sinimulan ang paghuhukay. Nakatagpo siya ng mga fossile ng tatlong uri ng hayop.

Pagkatapos noon, noong 1921 at 1923, ilang iskolar ang gumawa ng dalawang paghuhukay sa naturang lugar at nakatuklas sila ng marami pang fossiles, pero nabigo rin silang matuklasan ang mga labi ng mga ninuno ng sangkatauhan.

Hanggang noong 1926, nang pag-uri-uriin ng mga iskolar ang ilang fossiles, pinatotohanan nila na ang isa sa mga ngipin ay ngipin ng tao. Ang pagkakatuklas na ito'y kaagad na nakaakit ng interes sa Zhoukoudian, kapwa sa loob at labas ng Tsina.

Sa wakas nagantimpalaan din ang kanilang paghihirap at pagtitiyaga. Noong ika-2 ng Disyembre, 1929, natuklasan ni Pei Wenzhong, isang iskolar na Tsino na namamahala sa paghuhukay sa Zhoukoudian, ang mismong bagay na matagal na nilang ina-asam-asam: ang unang bungo ng "Peking Man." Napakadilim ng kuwebeng kanilang pinaghuhukayan. Maingat na maingat na dinampot ni Pei Wenzhong ang bungo sa liwanag ng kandila, binalot sa kanyang diyaket at buong ingat na dinala pabalik sa kanyang tanggapan. Ang balita hinggil dito'y mabilis na kumalat at ang "Zhoukoudian" ay naging pokus ng mga pahayagan.

May isang museo sa Zhoukoudian, ang "Zhoukoudian Site Museum." Dito matatagpuan ang pinakamasaganang materyal at pinakasistematikong relikya ng sangkatauhan, sa maagang yugto ng Stone Age. Ayon sa mga ebidensyang pangkultura at siyentipikong pagpapasiya, nabuo iyon, humigit-kumulang 700,000 hanggang 230,000 taong nakalilipas, samantalang ang "Peking Man" ay nanirahan doon sa pagitan ng 700,000 at 200,000 taong nakalipas

Medyo primitibo ang katangian ng ulo ng "Peking Man" pero may malinaw na katangian ng kasalukuyang Mongoloid. Ang kanilang pagkain ay nanggagaling, pangunahin na, sa pangangaso at pamimitas ng halaman at prutas: ang Peking Man ay marunong na ring magluto ng karne at gumamit ng apoy.

Alam ba ninyo, ang Peking Man Site ay hindi lamang dating tirahan ng sinaunang sangkatauhan? Sa yungib, sa tuktok ng bundok Longgu kung saan natuklasan ang Peking Man, natagpuan din noong 1930 ang isa pang dating tirahan ng sangkatauhan——"Shandingdong Site."

Ito ay tinirhan ng Shandingdong Man noong huling yugto ng Stone Age, sa pagitan ng 27,000 at 34,000 ang nakakalipas. Ang Shandingdong Man ay hindi kabilang sa parehong uri ng Peking Man. Ang Peking Man ay Homo Erectus, pero ang Shandingdong Man ay Homo Sapiens. Ang Homo Sapiens ay halos pareho ng makabagong tao.

Ayon sa paghuhukay sa Shandingdong Man site, maaari na silang gumawa ng karayom sa pamamagitan ng buto. Hindi lamang mga kagamitan, kundi mga decoration ang ginawa nila. Sa museo, maaaring makita ang isang kuwintas na gawa sa buto.

Kumpara sa Peking Man, ang Shandingdong Man ay mas malapit sa makabagong sangkatauhan ngayon.

Ngayon, oras na para sa pasyal tips. Paano makakapunta sa Zhoukoudian? Sumakay lang sa subway sa kahabaan ng espesyal na linya ng Fangshan. Pagdating ng istasyon ng Suzhuang, t mag-transfer sa Bus Number 15 o 31, papunta sa Zhoukoudian Lukou at mag-transfer muli sa Bus No. 38 sa Zhoukoudian Site.

Ang tiket ng Zhoukoudian Site Museum ay 30 yuan RMB. Bukas ang museo mula 8:30 am hanggang 4:30 pm. Ang bundok ng Longgu kung saan natuklasan ang buto ng Peking Man at Shandingdong Man ay malapit sa museo, puwede ring pumasyal kayo rito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>