Sa kanyang talumpati kahapon (local time), ipinahayag ni Mohamed Ibrahim, Ministro ng Suliraning Panloob ng Ehipto na puspusang igagarantiya ng pamahalaan ang seguridad ng bansa. Ipinahayag din niya na hindi mapapahintulutan ang pagsira ng ninuman sa kapayapaan.
Winika ito ni Ibrahim sa kanyang pagdalo sa commencement ceremony ng Police Academy ng bansa. Ipinangako rin niya sa mga mamamayan na buong tatag na pangalagaan ng panig pulisya ang seguridad at katatagan ng estado. Binigyang-diin niyang ang lahat ng aksyon ng panig pulisya ay angkop sa interes ng mga mamamayan.
Salin: Li Feng