Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng panig militar ng Ehipto, hiniling nito sa mga paksyong Islamiko ng buong bansa na, sa loob ng darating na 48 oras, sumali sa national reconciliation dialogue. Pagkaraan ng malawakang demonstrasyon ng pagkatig sa panig militar ngayong araw, isasagawa ng militar ang mga bagong hakbangin para mabigyang-dagok ang karahasan at terorismo.
Sinabi ng naturang pahayag na pinamagatang "pinakahuling pagkakataon" na hindi mapapahintulutan ng panig militar at ng Ministri ng Suliraning Panloob ng bansa na sirain ninuman ang kapayapaan, seguridad, at katatagan ng bansa. Dagdag pa nito, ang malawakang demonstrasyon na ginanap noong ika-30 ng nagdaang buwan, ay isang "rebolusyon", at hindi isang mutiny.
Salin: Li Feng