Sa lunsod Dalian, Liaoning ng Tsina — Ipininid dito kahapon ang Ika-9 Simposyum ng Teorya ng Dalawang Partido ng Tsina at Biyetnam.
Sa seremonya ng pagpipinid, magkahiwalay na bumigkas ng talumpati sina Yang Yanyi, Asistente ng Ministro ng International Liaison Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Phung Huu Phu, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyon ng Teorya ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam. Positibo nilang pinapurihan ang natamong bunga ng naturang simposyum. Ipinalalagay pa nilang natamo ng simposyum ang inaasahang hangarin ng pagpapahigpit ng paguunawaan, pagpapalalim ng kaalaman, at pagpapasulong ng kooperasyon.
Pawang ipinahayag ng mga kinatawan ng dalawang panig ang kahandaang lubos na gamitin ang plataporma ng nasabing simposyum upang mapalakas ang kanilang pagpapalitan.
Salin: Li Feng