Kamakailan, ang isyung kailangang kanselahin ng Estados Unidos ang patakaran ng Quantitative Easing (QE) ay nakatawag ng napakalaking pansin ng buong mundo. Ipinalabas kahapon ng U.S. Federal Reserve ang pinakahuling resolusyon na napagkasunduan sa pulong ng patakarang pansalapi.
Kahapon at kamakalawa, sa Washington D.C., kabisera ng Estados Unidos, idinaos ng U.S. Federal Reserve ang bagong round na pulong hinggil sa patakarang pansalapi, at ipinalabas kahapon ng hapon ang pinakahuling resolusyon ng pulong. Ayon sa resolusyong ito, hindi babaguhin ang kasalukuyang target rate, at hindi isasagawa ang pagsasaayos sa patakaran ng QE, walang indikasyon na babaguhin ito. Sa resolusyon, binaba ng U.S.Fedreal Reserve ang pagtaya nito sa paglaki ng kabuhayan ng bansa. Ipinahayag rin ng Federal Reserve ng Amerika na nababahala itong ang pagtaas ng mortgage rate, at ang tumatagal na mababang inflation rate ay posibleng magdudulot ng panganib sa kabuhayan ng E.U..
Sa katotohanan, ang pagpapanatili ng U.S. Federal Reserve ng kasalukuyang QE ay angkop sa pagtaya ng pamilihan. Sa kasalukuyan, unti-unting umaahon ang kabuhayan ng E.U., tinaya ng opinyong publiko na maaaring kanselahin ng E.U. ang patakaran ng QE sa Setyembre. Sa kasalukuyan, nagbibigay ang mga tagapag-analisa ng malaking pansin sa patakaran ng QE ng E.U.. Bago ang pagsasapubliko ng naturang resolusyon, ipinalalagay ng karamihan ng mga tagapaganalisa na patuloy na pananatilihin ng U.S. Federal Reserve ang kasalukuyang maluwag na patakarang pananalapi.
Bukod dito, sa malapit na hinaharap, matatapos ang tungkulin ni Ben Shalom Bernanke, kasalukuyang Pangulo ng U.S.Federal Reserve. Kaya nakatuon rin ang pansin ng publiko sa mga kandidado bilang susunod na pangulo. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang pinakamainit na kandidato na hahalili kay Bernanke: sina Janet Yellen at Lawrence Summers. Si Janet Yellen ay kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng U.S Federal Reseve, sa mula't mula pa'y, kinakatigan niya ang QE. Si Lawrence Summers naman ay dating Kalihim ng Tesoreriya ng E.U., di-katulad ni Yellen, kung magiging susunod na Pangulo, siguradong isasagawa niya ang pagsasaayos sa QE.
Salin:Sarah