Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Economic expert: walang hard landing sa kabuhayang Tsino

(GMT+08:00) 2013-08-02 17:08:57       CRI
Idinaos kahapon ng Pambansang Komisyon sa Reporma at Pag-unlad ng Tsina ang isang preskon hinggil sa kalagayang pangkabuhayan ng Tsina sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ipinahayag ng mga kalahok na dalubhasa na walang magaganap na hard landing ng kabuhayang Tsino, at ang utang ng lokal na pamahalaan ay hindi mauuwi sa katulad ng kiauwian ng Detroit. Sa kasalukuyan, ang Tsina anila ay nananatili pa ring mahalagang puwersang tagapagpasulong ng kabuhayang pandaigdig.

Sa naturang ring preskon, ipinahayag ni Wang Yiming, Pangalawang Puno ng Macro-Economy Research Institute ng naturang Pambansang Komisyon, na sa kasalukuyan, may katatagan at progreso ang pagbabago ng estruktura ng pambansang kabuhayan. Walang humpay na lumalakas aniya ang reporma sa mga pangunahing larangan at ang iba't ibang pangunahing index sa larangang pangkabuhayan ay nasa makatarungang saklaw, kaya hindi magaganap ang "hard landing" ng kabuhayang Tsino.

Ayon sa estadistika na isinapubliko sa preskon nang araw rin iyon, kumpara sa ibang pangunahing economy sa daigdig, pinakamataas ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino at ang Tsina ay nananatiling mahalagang puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Pero, dahil sa mga elementong tulad ng pagbabawas ng pangangailangang panlabas, pagtumal ng paglaki ng pangangailangang panloob, pagbabago ng estruktura ng kabuhayan at iba pa, noong unang hati ng taong ito, bumagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino. Hinggil dito, ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na ito ay makakabuti sa reporma ng estruktura. Pero binigyan-diin ni Wang Yiming na nananatiling napakahalaga ng pagpapanatili ng itinakdang paglaki ng kabuhayan.

Kasabay nito, mula kahapon, komprehensibong isinagawa ng National Audit Office ng Tsina ang pag-audit sa utang ng mga lokal na pamahalaan. Ipinalalagay ni Song Li, Pangalawang Puno ng Economic Research Institute ng naturang Pambansang Komisyon, na ayon sa kasalukuyang kalagayan, ang isyu ng utang ng lokal na pamahalaan ay hindi mauuwi sa katulad ng kinauwian ng Detroit.

Ipinalalagay ng mga dalubhasa na sa kasalukuyan, ang Tsina ay nasa mahalagang yugto ng estratehikong pagkakataon. Maraming magagandang kondisyon at positibong elemento na makakabuti sa pagtatag at paglaki ng kabuhayan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>