Sa Hanoi, Vietnam, nag-usap dito kahapon sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang Vietnamese counterpart na si Pham Binh Minh.
Ipinahayag ni Wang, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Vietnam para pasulungin ang komprehensibong estratehikong pagtutulungan, batay sa pangmalayuang pananaw. Sinabi niyang ang maayos na paglutas sa isyu ng South China Sea ay may mahalagang katuturan sa pangangalaga sa relasyong nabanggit.
Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh na nakahanda ang Vietnam na magsikap, kasama ng Tsina, para tupdin ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, kabilang dito ang pagpapatuloy ng pagdadalawan sa mataas na antas, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon, at maayos na paghawak sa mga di-malutas-lutas na isyu sa South China Sea, sa pamamagitan ng katugong kasunduan hinggil sa mga isyung pandagat.