Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Puno ng Partido Komunista ng Biyetnam at Ministrong Panlabas ng Tsina, nagtagpo

(GMT+08:00) 2013-08-06 09:54:09       CRI

Kinatagpo kahapon sa Hanoi ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam si Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.

Ipinahayag ni Nguyen na priyoridad ng diplomasya ng Biyetnam ang pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Biyetnam.

Aniya pa, dapat sundin ng dalawang panig ang direksyon na itinakda ng mga lider ng dalawang bansa at dalawang Partido at dapat ding patingkarin ang papel ng Komiteng Tagapatnubay sa Bilateral na Kooperasyon (Bilateral Cooperation Steering Committee) para mapasulong ang kanilang pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan.

Binigyang-diin din ni Nguyen na dapat ipatupad ng dalawang panig ang mga narating na kasunduan hinggil sa paglutas sa mga isyung pandagat.

Ipinahayag naman ng Ministrong Panlabas na Tsino na nagkakaroon ang Tsina at Biyetnam ng magkakaparehong estratehikong target at kapakanan. Isinasabalikat din aniya ng dalawang bansa ang misyon ng pagsasakatuparan ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng pagtahak sa landas na sosyalista, kaya, dapat palakasin ng dalawang panig ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan. Tinukoy rin ng Ministrong Panlabas na Tsino na kasabay ng pagpapalawak ng Tsina't Biyetnam ng kanilang mga pragmatikong kooperasyong panlupa, dapat ding hanapin ang kalutasan sa magkaibang posisyon sa usaping pandagat.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Wang Yi
v Wang Yi at Pham Binh Minh, nag-usap 2013-08-05 09:43:41
south china sea
v Tsina, ipinaliwanag ang paninindigan sa COC 2013-08-05 16:09:59
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>