Itinatag kamakailan ng Myanmar ang Pambansang Lupon sa Reporma na pamumunuan ni Pangulong Thein Sein para pabilisin ang reporma at makatugon sa kahilingan ng mga mamamayan sa kabuhayan at lipunan.
Ipinahayag ni Thein Sein na sa natitirang dalawa't kalahating taon ng kanyang termino, prioridad ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan. Dagdag pa niya, itatakda ng pamahalaan ang mga patakaran sa pagpapaunlad ng industriya ng koryente at agrikultura, at pagdaragdag ng pagkakataon ng trabaho.
Bukod dito, binigyang-diin niya na buong sikap na pasusulungin ang turismo at hihikayatin ang mas maraming dayuhang pamumuhunan.
Salin: Ernest