Pinanumbalik kahapon sa Jerusalem ng Palestina't Israel ang kanilang unang round ng direktang talastasang pangkapayapaan nitong limang taong nakalipas. Pero, hindi ito bukas sa labas.
Alas-siyete kagabi sa isang social networking, ipinatalastas ng panig Israeli na sinimulan na ang talastasan nila ng panig Palestino. Pero, ipinagbabawal ang pagkuha ng mga larawan sa pulong at walang puwedeng ilabas na pahayag.
Ang nabanggit na round ng talastasan ay pinamumunuan nina Tzipi Livni, punong negosyador ng Israel at Saeb Erekat, punong negosyador ng Palestina.
Ang susunod na round ng talastasang pangkapayapaan ng Palestina't Israel ay idaraos sa darating na linggo sa Kanlurang Pampang ng Ilog Jordan.
Salin: Jade