Sa Malawi — Nanawagan dito kahapon si Dlamini-Zuma, Tagapangulo ng African Union (AU) Commission, sa iba't ibang panig ng Ehipto na panatilihin hangga't makakaya, ang pagtitimpi. Dapat din aniyang isagawa ang diyalogo sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag niya na ipinadala na ng AU ang mataas na delegasyon ng mga dalubhasa sa Ehipto. Kung hindi malulutas ang kasalukuyang pangyayari sa naturang bansa, isasaalang-alang ng AU ang pagdaraos ng espesyal na pulong ng Komisyong Pangkapayapaan at Panseguridad para talakayin ang hinggil sa panghihimasok sa situwasyon ng Ehipto.
Salin: Li Feng