|
||||||||
|
||
MAGANDANG pagkakataon para kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na dumalaw sa Nanning, Guangxi Autonomous Region para sa 10th China-ASEAN Expo sa darating na ikatlo ng Setyembre.
Ayon kay Chito Sta. Romana, matagal na naglingkod bilang ABC Bureau Chief sa Beijing, ang Pilipinas ang "country of honor" ngayong 2013 at naging tradisyon na pag ang isang bansa ang "country of honor" ay karaniwang ang pangulo o prime minister ang dumadalo uang pasinayaan ang exposition na itinataguyod ng Tsina at ng mga bansang kabilang sa ASEAN.
MAHALAGANG DUMALO SI PANGULONG AQUINO SA CAEXPO. Naniniwala si G. Chito Sta. Romana, dating ABC Beijing Bureau Chief na higit na makikinabang sa larangan ng pakikipagkaibigan ang Pilipinas sa pagdalo ni Pangulong Aquino sa 1oth CAEXPO lalo't ang Pilipinas ang "Country of Honor." Tabi muna ang usapang politika sapagkat kalakal at negosyo ang pagtutuunan ng pansin bilang dagdag sa pakikipagkaibigan. (Melo Acuna)
Sa isang panayam, sinabi ni G. Sta. Romana na sa bawat exposition, itinatabi ang mga isyung politikal at natutuon sa kalakal at negosyo sa pagitan ng Tsina at ASEAN at ng Tsina at Pilipinas.
Ani G. Sta. Romana, karaniwang pangulo o prime minister ng "country of honor" ang dumadalo sa pagpapasinaya. Kung sakaling hindi dumalo si Pangulong Aquino sa pagdiriwang ngayon, ito ang unang pagkakataon na hindi sisipot ang pangulo. Kung sakali mang magkasakit si Pangulong Aquino, maaari siyang magpadala ng special envoy o high-ranking emissary sa CAEXPO.
May pagkakataon pa namang makipagkita si Pangulong Aquino sa mga pinuno ng Tsina sa Oktubre sa APEC Meeting at East Asian Summit sa Bali, Indonesia at sa Brunei.
Mahalaga ito na magkita sina Pangulong Aquino at ang Premier ng Tsina upang mapahusay ang kalakalan at relasyong pang-ekonomiya ng dalawang bansa. Kailangang maitabi ang usaping politikal at isulong ang kalakalan, dagdag pa ni Ginoong Sta. Romana.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |