Idinaos kahapon sa Bangkok ang kauna-unahang estratehikong diyalogo ng Tsina at Thailand para pahigpitin, pangunahin na, ang kooperasyon ng dalawang panig sa high speed railway, hydropower, clean at renewable energy, education, at human resources.
Sa nabanggit na diyalogo, sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagpapasulong ng paglaki ng bolyum ng bilateral na kalakalan sa 100 bilyong dolyares sa taong 2015. Bukod dito, palalawakin ng dalawang panig ang saklaw ng kalakalan ng mga produktong agrikultural.
Sa larangan ng bilateral na kalakalan, umaasa ang magkabilang panig na gaganap ng mas malaking papel ang RMB.
Sina Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang counterpart na si Sihasak Phuangketkeow mula sa Thailand ang magkasamang nangulo sa diyalogong ito.
Salin: Ernest