Kinatagpo kahapon sa Bangkok si dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand.
Kapwa nagpahayag ang dalawang panig ng kasiyahan sa pag-unlad ng relasyong Sino-Thai. Binigyan ni Wang ng positibong pagtasa ang pagpapasulong ng Thailand sa relasyong Sino-ASEAN. Ipinahayag naman ni Shinawatra na bilang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN, nakahanda ang Thailand na magsikap, kasama ng Tsina, para ibayo pang mapasulong ang relasyong ito.
Nang araw ring iyon, kinatagpo si Wang ni Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand. Pinasalamantan ni Wang ang royal family ng Thailand sa pagkatig sa pagkakaibigang Sino-Thai. Ipinahayag naman ni Sirindhorn na dapat palalimin ng dalawang bansa ang pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan.