Ilang kasangkapang panseguridad para sa pagsusuri ng mga container ang ibinigay kamakailan ng Tsina sa Kambodya, para labanan ang pagpupuslit sa bansang ito.
Sa seremonya ng paglalagda, sinabi ni Bu Jianguo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, na ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa Kambodya para sa pambansang konstruksyon nito.
Ipinahayag naman ni Keat Chhon, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya ang pasasalamat sa tulong mula sa Tsina. Ito aniya'y hindi lamang makakatulong sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng kanyang bansa, kundi maging sa kasarinlan nito.