Sa magkahiwalay na okasyon, nagbigay-galang kahapon si Bu Jianguo, bagong Embahador ng Tsina sa Kambodya kina Punong Ministrong Hun Sen, at Tagapangulong Heng Samrin ng Parliamento ng bansa.
Ipinahayag ng mga lider Kambodyano ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Kambodya. Nanalig anila silang ibayo pang lalalim ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Bu, na buong lakas niyang tutupdin ang komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Kambodya, para pasulungin pa ang mapagkaibigang relasyong Sino-Kambodyano. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa kabilang panig, para sa kaunlarang pambansa at mas magandang pamumuhay ng mga mamamayan nito.