Isang sesyong plenaryo ang idinaos kahapon ng Lupon ng Konstitusyon ng Kambodya, para talakayin ang di-malutas-lutas na mga mosyon ng reklamo tungkol sa pambansang halalan.
Ayon sa ulat, mayroong 33 mosyon ang natanggap ng naturang lupon. Labing siyam (19) sa 33 ang hindi pang nalulutas, kabilang ang siyam na mula sa Cambodia People's Party, partido oposisyon ng bansa.
Ipinahayag naman ni Tep Nytha, Pangkalahatang Kalihim ng Lupong Elektoral ng Kambodya, na tinatayang isasapubliko ang resulta ng halalan sa ika-8 ng Setyembre, pagkaraang matapos ang talakayang nabanggit.