Sa Brussels, Belgium---Sa isang resolusyong pinagtibay kahapon, sa espesyal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Unyong Europeo(EU), ipinahayag nitong lilimitahan ng EU ang pagluluwas ng mga sandata sa Ehipto para mapigilan ang paglala ng situwasyon sa bansang ito.
Anito, sa kabila ng nasabing aksyon, ipagpapatuloy pa rin ng EU ang tulong sa sektor na panlipunan at pangkabuhayan at sa mga organisasyong di-pampamahalaan sa Ehipto.
Hinimok din ng resolusyon ang iba't ibang paksyon ng Ehipto na itigil kaagad ang dahas, at isagawa ang diyalogo.