
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinalabas kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang isang pahayag bilang matinding pagkondena sa pananalakay nang araw ring iyon ng mga armadong tauhan sa North Sinai Governorate. Dalawampu't limang (25) pulis ang nasawi sa insidenteng ito.
Kaugnay ng tuluy-tuloy na maigting na situwasyon ng Ehipto, ipinahayag ni Ban na ang kasalukuyang pinakamahalagang gawain ay iwasan ang human casualty. Mahigpit din niyang kinondena ang mga pagsalakay sa simbahan, ospital, at iba pang mga pampublikong instalasyon.
Salin: Li Feng