Kaugnay ng isyu ng paggamit ng sandatang kemikal sa Syria, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na alinmang panig ang gumamit nito: pamahalaan o paksyong oposisyon ng Syria, ito ay buong tinding tinututulan ng Tsina.
Sinabi rin ni Hong na isinasagawa ngayon ng UN ang pagsisiyasat sa naturang isyu. Dapat aniyang hintayin ang pinal na resulta ng pagsisiyasat, at hindi dapat gumawa ng hula ang anumang panig.
Samantala, sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sinabi ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na hiniling na ng kanyang bansa sa pamahalaan ng Syria na makipagkooperasyon sa pagsisiyasat ng UN hinggil sa isyu ng paggamit ng sandatang kemikal. Aniya pa, kung may paghadlang ngayon sa nasabing pagsisiyasat, ito ay kagagawan ng mga tropa ng paksyong oposisyon ng Syria.
Salin: Liu Kai