Sinabi kahapon ng tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN na dadating ang working group ng UN sa Syria sa lalong madaling panahon, para imbestigahan ang tatlong insidente na umano'y may kinalaman sa paggamit ng chemical weapons.
Sa paanyaya ng pamahalaan ng Syria, bumisita sa Damascus sina Ake Sellstrom, Puno ng Grupo ng Imbestigasyon ng UN sa Chemical Weapon at Angela Kane, Mataas na Kinatawan ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa Disarmament noong ika-24 hanggang ika-25 ng buwang ito. Nagsanggunian ang pamahalaan ng Syria at mga kinatawan ng UN hinggil sa imbestigasyon ng UN sa pangyayari ng chemical weapon sa loob ng Syria.
salin:wle