Ayon sa ulat ng Online Newspaper ng Partido Komunista ng Vietnam, dadalo si Punong Ministro Nguyen Tan Dung ng bansang ito sa 10th China-ASEAN Exposition (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) na idaraos sa Nanning, China, mula ika-3 hanggang ika-6 ng susunod na Setyembre.
Ayon sa ulat, sa kanyang pananatili sa Nanning, makikipag-usap si Nguyen sa kanyang counterpart na si Li Keqiang mula sa Tsina para talakayin ang mga hakbangin sa pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan, negosyo at pamumuhunan.
Salin: Ernest