|
||||||||
|
||
Nakatakdang dumalao si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 4 na bansa ng Gitnang Asiya mula ika-3 ng susunod na buwan, at lalahok rin siya sa ika-8 Summit ng mga lider ng G20 at Ika-13 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Idinaos kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina ang preskon para isalaysay ang mga detalye ng nasabing biyahe.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, sa panahon ng pagdalaw, ipapaliwanag ni Pangulong Xi ang patakarang panlabas sa Gitnang Asya ng bagong pamahalaang Tsino, at ihaharap ang bagong mungkahi ng Tsina hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at iba't ibang bansa ng Gitnang Asya.
Bukod dito, maugong din sa iba't ibang sirkulo kung tutuloy o hindi ang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Hapon sa panahon ng Summit ng G20. Hinggil dito, ipinahayag ng Ministring Panlabas na walang batayan ang naturang pagtatagpo.
Hinggil sa naturang pagdalaw ni Xi sa Gitnang Asya,ipinahayag ni Cheng Guoping, Pangalawang Ministrong Tsino na ito ang kauna-unahang direktang pakikipagugnay ni Pangulong Xi sa mga lider ng mga bansa ng Gitnang Asya, at ito ay mayroong mahalagang katuturan para sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at mga bansa. Sa panahon ng pagdalaw, lalahok rin si Pangulong Xi sa Ika-13 Summit ng SCO na idaraos sa Bishkek, kabisera ng Republika ng Kyrgyzstan sa ika-13 ng susunod na buwan. Isinalaysay ni Cheng na sa naturang summit, tatalakayin ang hakbangin para lalo pang palalimin ang relasyong pangkapitbansa, pangkaibigan at pangkooperasyon ng mga miyembro, at ang mga lalahok ay magpapalitan ng palagay hinggil sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, lalahok rin si Pangulong Xi sa ika-8 Summit ng mga lider ng G20 na idaraos sa St. Petersburg ng Rusya mula ika-5 hanggang ika-6 ng susunod na buwan. Ang tema ng naturang summit ng G20 ay "The Growth of the Global Economy and the Creation of Quality Jobs", bibigyang-pansin ng summit ang mga isyu sa 4 na larangang kinabibilangan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig at katatagan ng pinansyo, pagtatrabaho at pamumuhunan, sustenableng pag-unlad, at kalakalang pandaigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |