Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon dito sa Beijing kay Ministrong Panlabas Pham Binh Minh ng Biyetnam, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na may magkaparehong estratehikong interes ang dalawang bansa at malawak ang kanilang pagtutulungan.
Inulit ni Ministro Wang ang paninidigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS) at umasa aniya siyang tumpak na malulutas ang isyung ito ng Tsina't Biyetnam para gawing pagkakataon ang hamon.
Ipinahayag naman ng Ministrong Panlabas ng Biyetnam ang pagpapahalaga ng kanyang bansa sa relasyon nila ng Tsina at nakahanda aniya ang Biyetnam na maayos na hawakan ang isyu ng South China Sea para magkasamang mapangalagaan ang katatagang pandagat.
Salin: Jade