Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon dito sa Beijing kay Ministrong Panlabas K. Shanmugam ng Singapore, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kanyang pag-asang mapapataas ang relasyong Sino-Singaporeano batay sa mga narating na kasunduan ng dalawang panig sa isinasagawang pagdalaw ni Punong Ministro Lee Hsien Loong sa Tsina.
Ipinahayag naman ni K. Shanmugam ang kanyang pagsang-ayon sa pagpapatupad sa nasabing mga narating na kasunduan ng dalawang bansa.
Napag-alamang sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang, nagsasagawa si Lee Hsien Loong ng kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina mula ika-25 hanggang ika-31 ng kasalukuyang buwan.
Salin: Jade