Ipinahayag kahapon ng Cambodia National Rescue Party(CNRP), partidong oposisyon, na magdaraos ito ng walang karahasang demonstrasyon bilang protesta sa inisyal na resulta ng halalang parliamentaryo na isinapubliko ng Lupong Elektoral noong ika-12 ng buwang ito, at sa isinagawang mga hakbang ng naturang lupon bilang tugon sa petition ng kanyang partido.
Nauna rito, 68 sa 123 luklukan ang natamo ng Cambodian People's Party, partidong nasa poder, sa katatapos na halalang parliamentaryo. Pero, tinanggihan ang resultang ito ng CNRP at hiniling nito sa lupong elektoral na bumuo ng independent group para siyang mag-imbestiga sa halalan. Tinanggihan naman ng naturang lupon ang kahilingan ng CNRP, at isasapubliko nito ang pinal na resulta ng halalan sa ika-8 ng Setyembre.