|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng kinauukulang dalubhasa na sa kasalukuyan, nagiging mas malalim ang pagpapalitan ng kapakanan ng Tsina at ASEAN, kaya dapat samantalahin ng dalawang panig ang pagkakataon ng kooperasyon para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.
Sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, dumalaw si Wang Yi sa 8 bansa ng 10 bansang ASEAN. Noong nakaraang buwan, lumahok rin si Wang sa ASEAN-China Foreign Ministers'Meeting na idinaos sa Brunei. Pagkatapos ng Special ASEAN-China Foreign Ministers' Meeting, idaraos rin ang Pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN sa Oktubre ng taong ito. Bilang magkakapitbansa, nagiging mas madalas ang pag-uugnayan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Hinggil dito, ipinahayag ni Han Feng, Dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences, na sa kasalukuyan, tumataas ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at ASEAN. Datapuwa't umiiral ang duda ng ilang bansa sa pag-unlad ng Tsina, hindi naapektuhan nito ang pangkalahatang kalagayan. Ang susi ng paglutas sa isyung ito ay pagpapalakas ng pag-uugnayan at pag-uunawaan ng dalawang panig. Bukod dito, sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at ang ASEAN ay ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina. Ang pagtaas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig ay sumasagisag ng pagtataas ng antas sa paraan ng kooperasyon ng dalawang panig mula pagpapalitang pangkalakalan sa antas ng kooperasyong pangteknolohiya.
Ayon sa mungkahi ng Tsina, sa susunod na buwan, idaraos sa bansa ng Tsina at ASEAN ang isang serye ng pulong para talakayin ang isyu hinggil sa Code of Conduct on the South China Sea. Kaya, binibigyang-pansin ng iba't ibang sirkulo ang naturang special meeting ng mga Ministrong panlabas kung tatalakayin o hindi ang isyu ng South China Sea. Hinggil dito, ipinahayag ni Ji Ling, Dalubhasa ng China Foreign Affairs University na sa isyu ng soberaniya ng South China Sea, iginigiit ng Tsina ang paninindigan ng bilateral na talastasan. Pero ang talastasan hinggil sa isyung ito ay isang mahabang proseso.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |