Idinaos kahapon sa Nanning, Guangxi, ang Unang Porum ng Tsina't ASEAN sa Paglilipat ng Teknolohiya at Inobasyong Pangkooperasyon.
Iminungkahi sa naturang Porum ni Wan Gang, Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina, na magbahaginan ang Tsina't ASEAN ng kani-kanilang matagumpay na karanasan sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya at magsuri ng posibilidad ng magkasamang pagtatayo ng Science Park para mapasulong ang paglilipat at pagtutulungan sa mga sulong na teknolohiya sa larangan ng agrikultura at iba pa.
Sa kasalukuyan, lampas sa 1000 ang kooperatibong proyektong panteknolohiya ng Tsina't ASEAN. Noong Setyembre ng 2012, sinimulan din ng dalawang panig ang Science-Technology Partnership Program.
Salin: Jade