Kasabay ng Ika-10 China-ASEAN Expo (CAExpo) na idaraos mula bukas hanggang darating na Biyernes sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, gaganapin din ang Unang Pulong ng Tsina't ASEAN sa Paglilipat ng Teknolohiya at Kooperasyong Pang-inobasyon sa nasabing lugar.
Napag-alamang ang gaganaping pulong ay naglalayong pasulungin ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina't ASEAN sa makabagong agrikultura, renewable energy, biomedicine at information technology. Mahigit 20 bahay-kalakal mula sa mga bansang ASEAN na gaya ng Thailand, Malaysiya at Biyetnam ang lalahok sa pulong. 186 na proyekto ng Tsina at mga kasapi ng ASEAN ang kumpirmadong itatanghal sa pulong. Kabilang sa mga itatanghal na proyektong Tsino ay Beidou Satellite Navigation System, photovoltaic power station monitoring system, at mga agricultural demonstration park sa mga bansang ASEAN.
Salin: Jade