Tumawag ng pulong kahapon si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos (E.U.) para himuking katigan ng mga kalahok na lider ng Kongreso ang kanyang mungkahi ng pagsasagawa ng aksyong militar sa Syria.
Pagkaraan ng pulong, pawang ipinahayag nina John Boehner at Nancy Pelosi, mga Lider ng Mataas at Mababang Kapulungan ng E.U. na sumang-ayon silang magbigay ng awtorisasyon ang Kongreso kay Obama.
Nang araw ring iyon, sa isang bagong burador na resolusyon na binalangkas ng Senate Foreign Relations Committee ng E.U. na itinakda nito ang 60 araw na time limit para sa pagsasagawa ng E.U. ng aksyong militar sa Syria at sa pasubaling maagang pagpapaalam ng Kongreso, puwedeng palawigin ang aksyon nang karagdagang 30 araw. o sa kabuuan, maaring magsagawa ang E.U. ng pagsalakay sa Syria sa loob ng 90 araw.