Ipinahayag kamakalawa ni Pangulo Barack Obama ang planong aksyong militar laban sa Syria. Aniya, dapat itong payagan ng Kongreso. Ipinahayag din kahapon ni Kalihim ng Estado John Kerry, na nagsisikap siya para makuha ang naturang awtorisasyon.
Kaugnay nito, sinabi naman kahapon ni Pangulo Bashar al-Assad ng Syria, na sa kabila ng bantang pananalakay mula sa Amerika, igigiit pa rin ng kanyang bansa ang sariling patakaran, at makakaya nitong harapin ang anumang pananalakay mula sa labas ng bansa.
Samantala, hinihiling ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa grupong tagapagsiyasat ng UN na isumite ang makatarungang konklusyon ng imbestigasyon bilang tugon sa bintang na paggamit o hindi ng sandatang kemikal sa mga lugar malapit sa Damascus, sa lalong madaling panahon.