Sa idinaraos na Ika-10 China-ASEAN Expo o CAExpo, halos umabot sa 20 bilyong dolyares ang halaga ng mga napagkasunduang kooperatibong proyekto.
Kabilang dito, 73 pandaigdig na proyektong pangkooperasyon ang nalagdaan na nagkakahalaga ng 8.6 bilyong dolyares samantalang 94 na proyektong pangkooperasyon sa loob Tsina ang napagkasunduan na nagkakahalaga ng 68.1 bilyong Yuan RMB o mahigit 11 bilyong Dolyares.
Idinaos kahapon sa Nanning, Guangxi ang seremonya ng paglagda sa kasunduan sa nasabing mga proyektong pangkooperasyon.
Salin: Jade