Ayon sa ulat kahapon ng Russian news agency, ipinahayag ni Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya na kung makukumpirmang gumamit nga ang pamahalaan ng Syria ng chemical weapon at matatamo ang awtorisasyon ng UNSC, hindi inaalis ang posibilidad na sumang-ayon ang Rusya sa pagsasagawa ng aksyong militar laban Syria.
Aniya pa, wala pang ebidensiya na nagpapakitang talagang gumamit ng chemical weapon ang pamahalan ng Syria at kinakailangan pa ang ibayong imbestigasyon.
Binigyan-diin ni Putin na dapat isagawa ang anumang aksyon sa ilalim ng awtorisasyon ng UNSC. Aniya, kung walang awtorisasyon, sa kasalukuyang batas na pandaigdig, ang pagsasagawa ng militar na aksyon sa anumang sovereign state ay maituturing na agresyon.
salin:wle