Nadetekta kahapon ng Russian radar systems ang dalawang missile sa rehiyon ng Mediterranean Sea, at ito ay pagsubok sa pagpapakawala ng missile ng Estados Unidos (E.U.) at Israel.
Pagkaraan nito, ipinahayag ni Anatoliy Antonov, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Rusya na dahil sa missile test, ipinasiya ng Rusya na pataasin ang combat readiness ng kanyang hukbo.
Ipinalalagay ni Aleksey Pushkov, Tagapangulo ng Lupon sa mga Suliraning Pandaigdig ng Russian State Duma na ang paglulunsad ng Israel ng missile ay nagpapakitang makikisangkot ang Isreal sa military action, at ito ay nagpapakita ring handa na ang E.U. na magbibigay-dakog sa Syria.
salin:wle