Sabi ni Ban:"Ang anumang aksiyong militar na naglalayong pigilin ang paggamit ng chemical weapon ng Syria ay nangangailangan ng awtorisasyon ng UNSC."
Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na darating ngayong araw sa itinakdang laboratoryo ang mga nakulektang sampol ng grupong tagapagimbestiga ng UN sa isyu ng chemical weapon ng Syria. Binigyan-diin ni Ban na ang anumang aksiyong militar na naglalayong pigilin ang paggamit ng chemical weapon ng Syria ay nangangailangan ng awtorisasyon ng UNSC.
Aniya, kapag lumabas ang resulta ng imbestigasyon, agarang ipapaalam niya ito sa UNSC at mga kasaping bansa ng UN.
Inulit din ni Ban na may responsibilidad ang UNSC sa pangangalaga ng kapayapaan at seguridad ng daigdig, kaya, dapat pagtibayin ang anumang aksyon ang pagsusuri ng UNSC at dapat isagawa sa loob ng framework ng Charter of the United Nations.
Salin:wle