1.4 trilyong yuan Bilateral Local Currency Swap Agreement, nilagdaan ng Tsina at ASEAN
(GMT+08:00) 2013-09-05 16:54:08 CRI
Nitong ilang taong nakalipas, nilagdaan ng mga Sentral na Bangko ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Byetnam, Laos, Malaysia at Thailand, ang mga Bilateral Local Currency Swap Agreement na may kabuuang halagang higit 1.4 trilyong yuan RMB.
Dahil dito, direktang naibabayad ang mga lokal na salapi ng nasabing mga bansa sa bilateral na kalakalan, sa halip na dolyares ng Amerika.