Idinaos kahapon sa Nanning, Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina, ang Porum ng Pandigdigang Pamumuhunan at Kooperasyon sa industriya ng Beidou (COMPASS) Navigation Satellite System. Ipinahayag ng mga kalahok na dalubhasa na ang naturang sistema ay magpakaloob ng serbisyo para sa pag-unlad ng ASEAN.
Sinabi ni Ran Chengqi, kinauukulang dalubhasa na ang taong ito ay Ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at ASEAN ng estratehikong partnership, at ang mga akdibidad hinggil sa Beidou Navigation Satellite System ay mahalagang nilalaman ng kooperasyon ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang magkapagkakaloob ang sistemang ito ng serbisyo para sa mga bansang ASEAN sa lalong madaling panahon.
Salin:Sarah