Sinimulan kahapon sa Bogor, Indonesya, ang kauna-unahang pagsasanay laban sa terorismo sa ilalim ng ASEAN Defense Ministers' Meeting-Plus (ADMM-Plus). Lumahok sa pagsasanay ang mahigit 500 sundalo mula sa sampung bansang ASEAN at walong dialogue partners nito.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang multinasyonal na kooperasyon ng ASEAN Plus countries sa operasyon laban sa terorismo. Binubuo ito ng tatlong aktibidad para magtulungan ang mga kalahok na bansa, magpalitan ng mga impormasyon, at magpalakas ng kanilang kakayahan sa paglaban sa terorismo.
Salin: Liu Kai