Idinaos kahapon sa Beijing ang Ika-14 na Pagsasangguniang Pandepensa ng Tsina at Estados Unidos (E.U.). Magkasamang nangulo sa pulong sina Wang Guanzhong, Pangalawang Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina at James Miller, Pangalawang Kalihim ng Tanggulan ng E.U.
Tinukoy ni Wang na nasa bagong simula ang relasyong Sino-Amerikano. Aniya, narating ang mahalagang komong palagay ng Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng E.U. hinggil sa konstruksyon ng bagong estilo ng relasyon sa pagitan ng malalaking bansa, at ito na ang direksyon at target ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Ani Wang, dapat mabuting samantalahin ng dalawang bansa ang pagsasangguniang pandepensa, at talakayin ang hinggil sa pagpapatupad ng nasabing komong palagay, para mabago ang desisyon ng dalawang lider sa kongkretong hakbangin at aktuwal na aksyon.
Ipinahayag naman ni Miller na ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano at pagpapalakas ng diyalogo at pag-uugnayan ay nakakabuti sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan at pagtitiwalaan. Aniya pa, nakahanda ang Amerika na makipagtalakayan sa Tsina hinggil sa konstruksyon ng mekanismo ng pagsasangguniang pandepensa sa antas na patakaran at propesyon.
Salin: Andrea