Tinanggihan kahapon ni Cheng Yonghua, Embahador ng Tsina sa Hapon ang representasyon ng Hapon hinggil sa paglalayag ng mga bapor ng China Coast Guard sa karagatan ng Diaoyu Island.
Binigyan-diin ni Cheng na ang Diaoyu Islands at mga pulo na nasa paligid nito ay likas na teritoryo ng Tsina. Isinagawa ng mga bapor na Tsino ang normal na paglalayag para mapangalagaan ang karapatan alinsunod ng batas. Kaya, hindi matatanggap ng Tsina ang anumang representasyon at protesta ng Hapon.
Napag-alaman mula sa Pambansang Kawanihang Pandagat ng Tsina na naglayag kahapon ang fleet ng China Coast Guard na binubuo ng 7 bapor sa rehiyong pandagat sa paligid ng Diaoyu Islands.
salin:wle