Hinimok kahapon ng pamahalaang Pilipino ang Moro National Liberation Front (MNLF) na mapayapang tapusin ang kanilang ginawang pangho-hostage sa Zamboanga sa lalong madaling panahon. Kung hindi, posibleng gamitin ng pamahalaan ang sandatahang lakas.
Nang araw ring iyon, tinangka ring salakayin ng MNLF ang Lamitan City. Ngunit, naitaboy sila ng tropang pampamahalaan. Ayon sa panig militar ng Pilipinas, pinumumunuan ng mga lider ng Abu Sayyaf at iba pang grupong kontra-pamahalaan ang naturang pagsalakay.
Salin: Andrea