Nabawi kahapon ng mga tropang pampamahalaan ng Pilipinas ang maraming lugar sa Zamboanga na kinubkob ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Sinabi ni Ramon Zagala, Tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines(AFP) na hanggang sa kasalukuyan, mayroon na lamang dalawang rehiyon na hindi pa nababawi. Ayon naman kay Mar Roxas, Kalihim ng Department of Interior and Local Government(DILG), napatay ng mga tropang pampamahalaan ang di-kukulangin sa 51 rebelion at naaresto ang iba pang 42. idinagdag ni Roxas, hindi pa malinaw kung kalian matatapos ang nasabing isang linggo nang kagugluhan.