Sa isang espesyal na panayam sa ABC, TV Channel sa Amerika, ipinahayag ni Barack Obama, Pangulo ng Estados Unidos na nagpalitan sila ng mga liham ni Hassan Rouhani, Pangulo ng Iran, at alam ng Iran na ang isyung nuklear nito ay mas malaking banta sa nukleong interes ng Amerika kumpara sa isyu ng Syria. Hindi isasagawa ng E.U. ang militar na aksyon sa Syria, pero, hindi nito inaalis ang posibilidad ng pagsalakay sa Iran. Pero, katulad ng isyu ng Syria, ang isyung nuklear ng Iran ay maaari ring lutasin sa pamamagitan ng diplomasya.
salin:wle